top of page

"Ang Aking Repleksyon"

 

            Sa bawat yugto ng ating buhay hindi natin maipagkakailang may mga sumasalubong sa ating mga pasakit at problema na kailangan nating harapin. Kagaya na lamang ng nangyari sa akin. Ang pagiging student teacher ay isang bahagi o yugto ng aking buhay bilang isang mag-aaral na kumkuha ng kursong edukasyon. Ang practice teaching ay isang asignatura na kailangan kong ienrol at tapusin para matapos ko ang karerang pinili ko.

            Sa pagiging student teacher ko, hindi ko maipagkakailang nahirapan ako, dahil ako ang tipo ng taong maikli lang ang pasensya. Kaya naman dumating yung pagkakataon na nasagad na ako sa pagiging makulit ng mga istudyante kaya napagalitan ko sila at may nasabi akong masasakit na salita at pinagsisihan ko iyon. Noong napagtanto ko na magkamaali ako agad akong humingi ng tawad sa mga istudyante ko at agad rin naman nila akong pinatawad. Ang paghingi ng tawad sa mga istudyante ay hindi masama lalo na kung pinagsisihan mo talaga ang nagawang pagkakamali. Kaya naman bilang isang guro kung alam natin na mali tayo hindi na dapat tayo magdalawang-isip na humingi ng tawad.

Isa rin sa mga karanasan ko bilang isang guro ang magpuyat bawat gabi sa paggawa ng banghay aralin at visual aids na gagamitin ko sa pagtuturo kinabukasan. Magsalita sa maghapon at minsan kakasalita ko ay di ko namamalayan na nawawalan na ako ng boses. Kaya naman bilang isang guro kailangan nating ingatan an gating boses, dahil ito ang puhunan natin sa pagtuturo.

Sa pagtuturo ko sa loob ng halos tatlong buwan sa Bahay Provincial High School sa Libmanan natuto akong pahabain ang aking pasensya. Natuto akong makisama sa iba’t-ibang uri ng mga istudyante at marami pang iba.

Sa loob rin ng panahong iyon marami akong napatunayan sa aking sarili. Nalaman ko na marami pala talaga akong hindi alam sa sarili ko, patunay lamang ito na hindi ko pa talaga lubos na kilala ang aking sarili. Kaya naman laking tuwa ko sa mga bago kong nadiskubre.

 

 

 

 

                                                                                                Gia May D. Puto

                                                                                                Student Teacher 

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube

© 2015 by BPHS. Proudly created with Wix.com

bottom of page